Dilaw

(La, la, la, ah)

Alam mo bang muntikan na sumuko ang puso ko
Sa paulit-ulit na pagkakataon na nasaktan, nabigo?

Mukhang delikado na naman ako
Oh, bakit ba kinikilig na naman ako?
Pero ngayon ay parang kakaiba
'Pag nakatingin sa 'yong mata, ang mundo ay kalma

Ngayong nandiyan ka na, 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko

Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung mayro'n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw

'Di akalaing mararamdaman ko muli ang yakap ng panahon
Habang kumakalabit ang init at sinag ng araw (sa lilim ng ulap)

Mukhang 'di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako (ngumingiti na naman ako)
Kaya ngayon, 'di na 'ko mangangamba
Kahit ano'ng sabihin nila (oh)

Ngayong nandiyan ka na, 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti (oh)
'Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko

Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung mayro'n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw

(Oh, ikaw, oh)
(Na-na-na-na-na-na-na)

Ngayong nandiyan ka na, 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko

Ngayong nandiyan ka na, 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti (oh, hanggang sa ang buhok ay pumuti)
'Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko (ikaw, ikaw, ikaw)

Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw (ngayong ikaw na ang kasayaw)
Kung mayro'n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw (ah)



Credits
Writer(s): Viktor Nhiko Sabiniano, Ralph William Datoon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link