WALANG PAKE

Mr. Brynh together with Fourth One
Ah yeah!

Kamusta mga meg
Ok lang tayo dyan
Tingnan at manalig
Sa pag-angat ng bagohan
Lahat ng yan madadaig
Amin yang hihigitan
Tuloy sa pag dilig
Malapit na ang anihan

Dahil pag kami bumanat, malinis
Di katulad ng sayo maalat, madungis
Mga talatang aming naisulat, makinis
Sulat nyo ang mga pormat kamatis

Walang pakialam sa mga taong
Walang bilib sa amin mga utak tahong
Di nyo mahahatak sa komentong, Paninira
Sabihin di namin to kaya? Pambihira
Tanga

Di kami paantig sa mga nanghihila pababa
Lalong di makikinig sa mga nasa ibaba
Kaya sa mga malamig, hintayin nyong bumaba
Di nyo malulupig, Di kami magigiba

Walang pake sa paligid
Chill lang ako dito at nagmamasid
Nakatambay lang sa gilid
Nakatingin sa mga tao na tumatawid
Nag-iisip lang kung ano ba talaga ang mabuti
Ok lang ba manatili na palaging low key
Gagawin ko lang lahat ng gusto saking isip
Patuloy lang sa byahe at sa pag lagare. Yeah

Di ko kailangan ng iyong pabor pre para lang na madinig
Ako'y experementado sa larangang iniibig
Walang planong maging sikat
So just step back, wag praning ok
Kailangan mo pa ring mag-ingat
Incase you go whack
Just sayin ha

Akin lang naman ay
Lets stay low key
Importante lang naman ay ating mga mensahe
Kahit mag asal salbahe
Bestfriend pa rin tayo eh
Kaya mag chillax ka lang dyan
Makinig sa bawat letra
Kung di mo maintindihan i rewind lang aming pyesa
Di ito paunahan
Kung sinong maunang umakyat sa hagdan
Sa ibabaw ka man wala akong pakialam
I dont give a shit saan ka man ngayon
Magkikita parin tayo sa isang daanan

Wag pansinin mga pabida
Sila yung unang nanghihila
Sa iyo pababa
Mga panira nyong komento
Ay tatawanan ko

Walang pake sa paligid
Chill lang ako dito at nagmamasid
Nakatambay lang sa gilid
Nakatingin sa mga tao na tumatawid
Nag-iisip lang kung ano ba talaga ang mabuti
Ok lang ba manatili na palaging low key
Gagawin ko lang lahat ng gusto saking isip
Patuloy lang sa byahe at sa pag lagare. Yeah



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link