Liham Para Kay Maria

Magkaibang realidad
Ang magkasalungat, pinagtagpo
Ngunit sa isang iglap
Ating yugto bigla na lamang huminto

Nasan ka?
Hinahanap hanap ko ang tinig mo
Ako ba'y naliligaw?
Walang iba kundi ikaw ang gustong matanaw

Hangad ng puso ang iyong pagmamahal
Hinihiling, nag darasal
Nang mapunan ng sagot ang bawat patlang
Naghihintay, nag aabang

Binabalik balikan, mga alaalang nabuo
Ramdam sa bawat pikit ng mata at pintig ng aking puso
Na aalala mo pa ba?
Panahong magkahawak ang ating mga kamay

Nasan ka?
Hinahanap hanap ko ang tinig mo
Ako ba'y naliligaw?
Walang iba kundi ikaw ang gustong matanaw

Hangad ng puso ang iyong pagmamahal
Hinihiling, nag darasal
Nang mapunan ng sagot ang bawat patlang
Naghihintay, nag aabang

Hahayaan nalang ba ang panahon ang magpasya
Sa kwento nating dalawa
Pero kwento natin to diba?
Buong buo, Ibibigay, isusugal basta ikaw

Naiisip mo rin ba ako?
(Nasan ka?)
Naiisip mo rin ba ako?
(Nasan ka?)

Hangad ng puso ang iyong pagmamahal
Hinihiling, nag darasal
Nang mapunan ng sagot ang bawat patlang
Naghihintay, nag aabang



Credits
Writer(s): Ivan Dioneda, Coy Abogado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link