KAHIT PA ANONG MANGYARI

Kahit pa ano'ng mangyari
Kahit pa ano'ng mangyari

Patong-patong na bagay ang dapat isipin
Parang walang-hanggan ang mga bayarin
Ngunit kahit sa magulong mundo
'Di magbabago ang pangarap ko
Ikaw ang kasama hanggang pagtanda
'Pag uugod-ugod na't 'di makasalita

Kahit pa ano'ng mangyari, buhay man ay 'di madali't
Walang pagmamay-ari, kailanma'y 'di 'pagpapalit
At hindi maaaring tayong dal'wa'y 'di magkasabay
Kahit pa ano'ng mangyari

Wala nang mas sasaya pa dahil akin ka
Gumagaan ang lahat ng dinadala
Asahan mo sa magulong mundo
Pangarap mo ay ang pangarap ko
Tuloy-tuloy lamang hanggang pagtanda
Kahit uugod-ugod na't 'di makasalita

Kahit pa ano'ng mangyari, buhay man ay 'di madali't
Walang pagmamay-ari, kailanma'y 'di 'pagpapalit
At hindi maaaring tayong dal'wa'y 'di magkasabay
Kahit pa ano'ng mangyari, whoa

Kahit pa ano'ng mangyari, hmm

Kahit pa ano'ng mangyari, buhay man ay 'di madali't
Walang pagmamay-ari, kailanma'y 'di 'pagpapalit
At hindi maaaring tayong dal'wa'y magkahiwalay

Kahit pa ano'ng mangyari, buhay man ay 'di madali't
Walang pagmamay-ari, kailanma'y 'di 'pagpapalit
At hindi maaaring tayong dal'wa'y 'di magkasabay
Kahit pa ano'ng mangyari

Kahit pa ano'ng mangyari ('di kita iiwanan)
(Ako'y iyong tahanan) whoa
(Laging ika'y sasamahan)
Kahit pa ano'ng mangyari



Credits
Writer(s): Keiko Necesario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link