Gupit

Malinaw pa ang lahat
Mula nang tayo'y magpasiyang maghiwalay
Bitbit ko ang nakaraan
Ako'y napag-iwanan, 'di nakasabay

Kaharap ko ang salamin
'Di malaman kung ano'ng gagawin (gagawin)
May mali ba sa sarili ko?
Pa'no ko ba 'to mababago?

Gusto ko na lang magpagupit
Para maitago ang nadaramang sakit
'Yong pinakamaikli para madaling
Makalimutan at mabitawan ka

Gusto ko na lang magpagupit
Para maputol na ang galit at pait
Na aking nadarama, sana'y mabura
Mga alaala nating dalawa

Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit (pagupit)
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit (pagupit)

Baka naman gumaan
Ang pakiramdam ko kapag nagupitan
At kung sakaling magkita ulit
Aminin mong ikaw rin ay nagkamali

Kaharap ko ang salamin
Tama ba itong aking gagawin? (Oh)
Kung para 'to sa sarili ko
Bakit pa kailangang may mabago?

Gusto ko na lang magpagupit
Para maitago ang nadaramang sakit
'Yong pinakamaikli para madaling
Makalimutan at mabitawan ka

Gusto ko na lang magpagupit
Para maputol na ang galit at pait
Na aking nadarama, sana'y mabura
Mga alaala nating dalawa

Tama na sa kakaisip, gusto ko nang magising
Dito sa panaginip na parang bangungot na rin
Binigay ko naman ang lahat ('hat), pero parang 'di sapat (sapat)
Ating alaala, kalakip ng buhok ko na pinahaba, 'di na aasa

Sa alaalang bitbit, gusto kong putulin na
Damay din ang pananabik, ngayo'y tatapusin na
Nais ko lang naman na makawala dito sa hawlang ating ginawa
Oras na para putulin natin, huling mensahe, "Paalam na"

Gusto ko na lang magpagupit
Para maitago ang nadaramang sakit
'Yong pinakamaikli para madaling
Makalimutan at mabitawan ka

Gusto ko na lang magpagupit
Para maputol na ang galit at pait
Na aking nadarama, sana'y mabura
Mga alaala nating dalawa

Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit (pagupit)
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit (gusto ko na lang magpagupit)

Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit (pagupit)
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit (pagupit)



Credits
Writer(s): Alas Alvarez, Carl Guevarra, Chael Adriano, Mo Mitchell
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link