Nandito Na Ako

Sana lumingon ka na at nang iyong makita
Na may tagahanga ang iyong puso
Ba't ba pabago-bago? 'Di ka ba makuntento?
Alam kong nakakatakot, andito naman ako

Tumingin ka lang dito, 'di ka itatago
Ipagsisigawan ang awit na 'to
Kahit sa malayo, kita ka sa dulo
Kaya 'pahinga na ang puso mo
Nandito na ako

Heto nanaman ako, pasulyap-sulyap sa 'yo
Minsa'y nagtatama ang mata, pero baka ika'y naiilang na
'Di ko lang maamin, duwag aking damdamin
Gagawin na lang bang lihim o sasabihin ko?
Sige na nga

Tumingin ka lang dito, 'di ka itatago
Ipagsisigawan ang awit na 'to
Kahit sa malayo, kita ka sa dulo
Kaya 'pahinga na ang puso mo
Nandito na ako

Oh-whoa, oh-whoa
Nandito na ako
Oh-whoa, whoa, whoa

'Di ka tatalikuran
'Di na kailangang mag-isa
Pero pa'no? Mukhang malabo
Susugal ba o susuko?
Nahuhulog na 'ko

Tumingin ka lang dito, 'di ka itatago ('di ka itatago)
Ipagsisigawan ang awit na 'to (ipagsisigawan)
Kahit sa malayo, kita ka sa dulo
Kaya 'pahinga na ang puso mo
Nandito na ako

Oh-whoa, oh-whoa
Nandito na ako (nandito na)
Oh-whoa (nandito na), whoa, whoa



Credits
Writer(s): Bas Xerxes Bakker, Moire Dela Torre, Benji Pangilinan, Angela Ken, Josh Buizon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link