Lunas

Nagdadal'wang-isip kung tama pa ba ang manatili sa'yo
Sobrang alanganin, matapos mawili, biglang lalayo

Ang hirap na hayaan
Mabigong harap-harapan
Alam kong 'la kang pagtingin sa'kin
Tigilan na 'tong pagkukunwari

Na para bang lalagnatin kapag 'di mo kapiling
Alam mong 'di ko matiis pag ikaw ang lumambing
Hating-gabi darating, ako'y napapaisip
Ako ba ang lunas o panakip-butas mo

Ako ba ang lunas sa pangungulila
O sadya mo lang akong ginagayuma
Nang mabihag
Pansamantala mong malinlang
Di makailag

Nanunukso, nanunukso
Ang mahika mo
Alam kong 'la kang pagtingin sa'kin
Tigilan na 'tong pagkukunwari

Na para bang lalagnatin kapag 'di mo kapiling
Alam mong 'di ko matiis pag ikaw ang lumambing
Hating-gabi darating, ako'y napapaisip
Ako ba ang lunas o panakip-butas mo

Sobrang alanganin, matapos mawili, biglang lalayo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link