Mali Nga Ba

Iba't iba ang uri ng pag-ibig
Ang nakakalat sa buong daigdig
Pag-ibig na hindi mo akalain
Nakakapagtaka ngunit di kayang pigilin

Pero bakit?
Bakit ganyan sila tumitig?
Meron bang mali?
May mali nga bang pag-ibig?

Mali nga ba ang pag-ibig na
Hindi tama sa mata ng iba
Oh bakit pa kailangang mangamba
Sa pag-ibig, hindi mata ang pinapagana
Kun'di puso ang siyang nagdidikta
Ng tunay na dapat nating makita

Sabi nila tama ang yong pag-ibig
Kapag ang lalaki sa babae umibig
Ang edad kailangan ring isipin
Estado sa buhay, bigyan rin ng pansin

Pero bakit?
Bakit ganyan sila tumitig?
Meron bang mali?
May mali nga bang pag-ibig?

Mali nga ba ang pag-ibig na
Hindi tama sa mata ng iba
Oh bakit pa kailangang mangamba
Sa pag-ibig, hindi mata ang pinapagana

Mali nga ba ang nararamdaman?
O dapat bang... ito ay tigilan?

Kung sa tingin ng iba ang pag-ibig na ito ay mali
Parehong babae, parehong lalaki kaya't malaking pagkakamali
Mali kasi mas matanda ako kaysa sayo,
Mayaman ka't mahirap lang ako,
Hindi man nararapat sa paningin ng iba
Mali man sa mata nilang mapanghusga
Hindi ka na dapat mangamba
Sa pag-ibig, hindi mata ang pinapagana...

Kun'di puso ang siyang nagdidikta
Ng tunay na dapat nating
Makitaaaa... aaaaaaa

Mali nga ba ang pag-ibig na
Hindi tama sa mata ng iba
Oh bakit pa kailangang mangamba
Sa pag-ibig, hindi mata ang pinapagana

Mali nga ba (ang pag-ibig niya)
Hindi tama (sa mata nila)
Oh bakit pa (wag ka ng mangamba)
Sa pag-ibig, hindi mata ang pinapagana
Kun'di puso ang siyang nagdidikta
Ng tunay na dapat nating makita



Credits
Writer(s): John Carlo Pasigay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link