Ulit Ulit

Sabi mo, hindi ako masasaktan nino man
Sabi mo, sa 'yo ako magtiwala lang
At gawing sandalan

Kahit ang mata'y nakapiring
Ang kamay mo'y hinawakan pa rin
Wala 'kong maaninag na't kay dilim
Ba't dinala mo ako kung saan pala'y masasaktan?

Walang usapang ganito
Oh, bakit nagtiwala (nagtiwala) sa tulad mong walang-hiya?
Talagang sinabi mong mahal mo akong paulit-ulit
Paulit-ulit ding nasasaktan

Ulit-ulit, ulit-ulit
Ulit-ulit, ulit-ulit
Ulit-ulit bang masasaktan?

Sabi ko, "Magtitiwala lang sa 'yo" (mali ako)
Mali ako (mali ako)
Sabi ko (sabi ko, sabi ko), "Mapapatawad din kita"
Ang hirap pala nito

Ngayong nawala na'ng piring
Liwanag suminag, pinawi'ng dilim (dilim)
Nakita ko na'ng lahat ng ginawa mo sa akin
Ba't dinala mo ako kung saan alam mong masasaktan?

Walang usapang ganito
Oh, bakit nagtiwala sa tulad mong walang-hiya?
Talagang sinabi mong mahal mo akong paulit-ulit
Paulit-ulit ding nasasaktan

Ulit-ulit (ulit-ulit), ulit-ulit (ulit-ulit)
Ulit-ulit (ulit-ulit), ulit-ulit (ulit)
Ulit-ulit bang masasaktan?
Ulit-ulit (ulit-ulit), ulit-ulit (ulit-ulit)
Ulit-ulit (ulit-ulit), ulit-ulit (ulit)
Ulit-ulit bang masasaktan?

Kay daling sabihing "Ayaw ko na"
Ngunit ang hirap gawin dahil minahal kita
Kay daling sabihin na "Aalis na lang"
Ngunit paano kung ikaw ang tahanan?
Ang lahat may hangganan

(Sa usapang ganito)
(Oh, bakit nagtiwala) sa tulad mo? Walang-hiya
(Talagang) sinabi mong mahal mo akong paulit-ulit
Paulit-ulit ding nasasaktan

Ulit-ulit, ulit-ulit
Ulit-ulit, ulit-ulit (ulit-ulit)
Ulit-ulit ding nasasaktan (ulit-ulit)
Ulit-ulit (ulit-ulit), ulit-ulit (ulit-ulit)
Ulit-ulit, ulit-ulit (yeah)

Walang usapang ganito
Oh, bakit nagtiwala sa tulad mo?



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link