Pangalawa

Sa'n ba 'ko nagkamali
Ba't ika'y 'di na nagparamdam muli
Pilit mong (pilit mong)
Guluhin ulit ang pusong nananahimik
Na ngayo'y wala nang magbabalik

Bakit ganyan? (Ah-ah)
Ako yung nauna, ako ang nagdusang
Ikaw ay makita na nasa iba lang, ah
Pilit mo na ba akong iniiwasan
Ako yung nandito, ano nga ba tayo?
Bigla kang naglaho nang iba ang pinili mo

Sa'n na ba
Ang mahiwaga?
Kung damdamin natin ibubura
Sa isang idlip ng mga mata, ah-ah
Ang hinanga'y nawawala, ah-ah
Whoa, ako lang pala ang naniniwala sa ating dalawa

Bakit ganyan? (Ah-ah)
Ako yung nauna, ako ang nagdusang
Ikaw ay makita na nasa iba lang, ah
Pilit mo na ba akong iniiwasan
Ako yung nandito, ano nga ba tayo?
Bigla kang naglaho nang iba ang pinili mo

Bakit ganyan? (Ooh-oh, ah)
Ako yung nauna, ako ang nagdusang
Ikaw ay makita na nasa iba lang, ah
Pilit mo na ba akong iniiwanan
Ako yung nandito, saan na tutungo?
Bigla kang naglaho nang iba ang inibig mo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link