Soup

Hmm. Pero kailan ba tayo magkikita ulit

Bakit kaya pag hawak ang 'yong kamay
Ang oras kay bilis, 'di mapalagay
Iba ba talaga ang takbo ng araw
'Pag ikaw ang aking kaharap

Ngunit ano 'tong nadarama
'Pag 'di kita kasama

Ang tagal ng oras
'Pag hindi ka kapiling
Hanggang kailan pa ba maghihintay
Hanggang ika'y makatabi
Sa gitna ng ulan ulan, ulan
Kahit na tayo'y magkasakit
Ikaw ay aalagaan
At bibigyan kita ng mainit na sabaw

Pauwi na naman galing sa inyo
Nagtataka na tila ang araw ay dumaan sa ilang minuto
Ganito ba talaga 'pag kasama ka
'Di mapigilang mag-alab ang tindi ng pagsinta

Ngunit ano 'tong nadarama
Pag 'di kita kasama

Ang tagal ng oras
'Pag hindi ka kapiling
Hanggang kailan pa ba maghihintay
Hanggang ika'y makatabi
Sa gitna ng ulan ulan, ulan
Kahit na tayo'y magkasakit
Ikaw ay aalagaan
At bibigyan kita ng mainit na sabaw

Na may halong pagmamahal
Ako na ang bahala
'Di bale nang mahawa
Basta't ikaw ay kayakap
Sa gabi

Hanggang pagsikat ng araw
At sa pag-gising, ako'y nasa 'yong tabi
Sa wakas
Sa wakas
Sa wakas

Ako'y nasa 'yong tabi



Credits
Writer(s): Amiel Isaac Sol
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link