Torpe

Hoah woah
Alam mo
Mmm, yeah, yeah
Matagal ko na talagang gustong sabihin sa 'yo 'to eh
Kaso lang
Hoah, woohoo
Hoah, hmmm
Nakakahiya
Hmmm
Alam mo 'yo'n
Yeah
Hehe

Pwede bang sa 'kin ka na lang
Kasi 'di ko alam kung pa'no iparamdam aking nararamdaman
Dahil matagal ko nang nilihim 'to
Nahihiyang lumapit sa iyo
Alanganin pa pag-ibig ko
Kaya sana mapansin ng dalagang minimithi ko

Yeah
Heto na naman ako nakatingin sa 'yo
Paulit-ulit ko na lang ginagawa ito
Habang ako'y nababagot sa pagkakaupo
Minamasdan kita sabay tungo kapag nakita mo

Hanggang kailan kaya ako magiging ganito
Ba't ba kasi nasobrahan ang pagkatorpe ko
Baka ko pagsisihan aking nakaugalian
'Di ko dapat 'tong pigilan kailangan mong malaman na

Nilalaman ka ng isipan kung alam mo lang
Sa tuwing uwian ay palagi na sa 'yong nakaabang
'Di man kita maihatid sa 'yong pupuntahan
Ang sadya ko lang naman ay 'yong makita ka na lang

Nakakasawa ding gawin
'Yong tingin-tingin ka lang
Ayoko nang palampasin
Baka 'di ko magawang lumapit
At sa 'yo'y umamin 'wag ka sanang mailang
Ngayo'y maglalakas-loob
Baka sakali lang naman
Yeah

Pwede bang sa 'kin ka na lang
Kasi 'di ko alam kung pa'no iparamdam aking nararamdaman
Dahil matagal ko nang nilihim 'to
Nahihiyang lumapit sa iyo
Alanganin pa pag-ibig ko
Kaya sana mapansin ng dalagang minimithi ko

Gustong malaman
Ano'ng hantungan o may hangganan
Maunawaan ang katayuan
'Di makayanan na matitigan nang matagalan
Nahihirapan sa kagustuhan na malapitan

'Di matauhan sa kaganapan at naguguluhan
Kung panandalian na kasagutan baka matuluyan
'Di maiwanan at maiwasan kapag ika'y nandiyan
At nilalamon ng kaba kapag nasisilayan

Nag-alinlangan na sabihin ang nararamdaman
'Di paniwalaan at tawanan 'pag nagkaaminan
Kung kasalanan ang umibig handang maposasan
Kung sa simbahan din tuloy ng aking kahibangan

Ang bibig tinakpan madalas na muntikanan
Buti ay napigilan
At aking naagapan
At sa kahabaan ng pinag-usapan
Ako'y umibig sa iyo nang 'di mo nalalaman

Pwede bang sa 'kin ka na lang
Kasi 'di ko alam kung pa'no iparamdam aking nararamdaman
Dahil matagal ko nang nilihim 'to
Nahihiyang lumapit sa iyo
Alanganin pa pag-ibig ko
Kaya sana mapansin ng dalagang minimithi ko

Yeah
'Di ko alam kung pa'no sisimulan lahat ng 'to
'Pag nakikita na kita ay bumabagal ang ikot ng aking mundo
Magandang umaga, ang titigan ka hindi nakakasawa
Kung meron lang ako lakas ng loob

Hanggang kelan ba 'to kasi 'yoko nang itago
'Yoko din naman na 'yong tyansa ko maglaho
'Di makagalaw 'pag ika'y nasa malapit
Gusto kong patunayan sa iyo na ika'y worth it
Kaya 'wag kang mag-aalala
Nag-aantay lamang ako ng tyempo
Kaya 'wag kang mag-aalala
Nag-aantay lamang ako ng tyempo

Pwede bang sa 'kin ka na lang
Kasi 'di ko alam kung pa'no iparamdam aking nararamdaman
Dahil matagal ko nang nilihim 'to
Nahihiyang lumapit sa iyo
Alanganin pa pag-ibig ko
Kaya sana mapansin ng dalagang minimithi ko

Pwede bang sa 'kin ka na lang
Kasi 'di ko alam kung pa'no iparamdam aking nararamdaman
Dahil matagal ko nang nilihim 'to
Nahihiyang lumapit sa iyo
Alanganin pa pag-ibig ko
Kaya sana mapansin ng dalagang minimithi ko



Credits
Writer(s): Eric Justin Del Rosario Fenol, Lemuel Monreal, Maro Ignacio, Philip Mabonga Ii
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link