Pulot

Lagi ka lamang nasa isip ko
'Di ko alam, gano'n din ba sa 'yo?
Kamusta ka kaya? Sana laging masaya
Laging tandaan, ako'y laging nandito lang

Maghihintay hanggang kailan
Sa daming dumating, ikaw pa rin ang lamang
'Di ko hahayaan na maramdamang
'Di na kita makakamtan

Ayoko (ayoko), ayoko (ayoko)

Kahit na wala ka na, hindi pa rin ako hahanap ng iba
Wala nang hihigit pa sa iyong taglay na kagandahan
Kahit na malayo ka, sasanayin ko na lamang mag-isa
Hindi nawawala ang nadarama, gusto pa rin kita

'Di ko rin alam kung bakit ba
Ang hirap-hirap sa akin na kalimutan ka
Kahit saan lumakad, ikaw lang ang bubungad
Kahit ano'ng gawin, ikaw pa rin ang hinahanap

Alam kong mabilis ang pangyayari, 'di ko rin masabi
Bakit pagdating sa 'yo ang hirap umabante?
Andito lang ako, maghihintay sa 'yo
Hindi ko hahayaang mawala sa isip mo

Ayoko, ayoko

Kahit na wala ka na, hindi pa rin ako hahanap ng iba
Wala nang hihigit pa sa iyong taglay na kagandahan
Kahit na malayo ka, sasanayin ko na lamang mag-isa
Hindi nawawala ang nadarama, gusto pa rin kita

Gusto pa rin kita

Credits
Writer(s): John Jireh Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link