Donatello

Nakakahiya
Dean's Lister pa naman ako
BS Management Engineering pa naman
Ang kursong kinukuha ko
Tapos
Sanay magsalita sa publiko
At beterano ring
Umawit sa entablado
Pero 'pag 'kaw na'ng kausap ko
Nauutal ako at nabablangko

Oh

Akala ko astig ako
Maangas sa ibang tao
Pero pagdating sa 'yo
Nanghihina ako
Ms. Christina Donatello

Nakakainis
Lagi ka na lang may palusot
Araw-araw ba nagbi-birthday nanay mo
Kaya 'di mo 'ko masipot
Hong Kong
Do'n ba talaga ang 'yong punta
O sa Lan Kwai Speakeasy
Sa Esteban Abada
Sabi mo aakyat ka ng bundok
Pero magpapaakyat lang pala ng ligaw sa iba

Oh

Akala ko astig ako
Maangas sa ibang tao
Pero pagdating sa 'yo
Nasasaktan ako
Ms. Christina Donatello

At ngayon
Apat na taon nang graduate
Tatlong taong 'di nag-uusap at
Wala naman akong planong makipag-date
Pero out of the blue
Nag-slide ka sa DMs ko
At kumaripas pa rin ako ng takbo
Pabalik at babalik pa rin sa 'yo
Hay nako

Nakakapagpabagabag ka
Nakakapagpabagabag ka
Nakakapagpabagabag na
Gusto pa rin kita
Nakakapagpabagabag ka
Nakakapagpabagabag ka
Nakakapagpabagabag na
Gusto pa rin kita

Akala ko magaling ako
Henyo sa ibang tao
Pero pagdating sa 'yo
Natatanga ako
Oh
Oh
Natatanga ako (Ms. Christina Ms. Christina)
Ms. Christina Donatello



Credits
Writer(s): Aaron Carl Morales De Guzman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link