Bantas

Bawat pangungusap nagtatapos sa tuldok
Tulad ng pag-ibig nating kay rupok
Isusulat ko nalang bang ating nakaraan?
Mawala lang sanang sakit na 'king dinaramdam

Bawat saknong sa ginawa kong tula
Lagi ang tanong ba't nawala kang parang bula
Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala
Hindi ko kaya ang ikaw ay mawala

Hiniwalayan, tinuldukan, tinatanong kung bakit
At ngayo'y nagdaramdam

Tandang pananong
Lagi kong itinatanong
Kung sa 'kin ay magbabalik ka
Tandang padamdam
Masidhi kong dinadaramdam
Hinagpis ng ika'y lumisan, sinta

Tuldukan na ang galit
Huwag nang kuwitan ang ating pag-ibig
Dinggin mong aking pakiusap
Nangunugusap, malalasap
Ulit ang tamis ng kahapon

Oooh, oooh

Bawat linya sa nalikha kong kanta
Nagtutugma - kay laki sa 'ting pinagkaiba
Dinggin mong bawat kong binigkas na salita
Di magsasawang sabihing "Mahal pa rin kita"

Gitlingan, kuwitan - kahuluga'y hiniwalayan
Lihisan na't ako'y balikan

Parang panaklong
Ako'y kinukulong
Sa katotohanang di matanggihan
Pangalan ko'y kudlitan
Ang sayo naman ay sundan
Nang ika'y muling aking pag-arian

Ang dami kong sinabi
Walang patutunguhang... biniting pag-ibig
Dinggin mong aking pakiusap
Nangungusap
Malalasap ulit ang tamis ng kahapon

Bantas, antas, landas ng ating pag-ibig
Saan ito patungo?
Bukas, wagas, di na ba madaranasan
Yakap at mga halik mo
Ikaw sana'y magbalik
At ako'y iyong muling mamahalin

Parang Panaklong
Ako'y kinukulong
Sa katotohanang di matanggihan
Pangalan ko'y kudlitan
Ang sayo naman ay sundan
Nang ika'y muling aking pag-arian

Tandan pananong
Lagi kong itinatanong
Kung sa 'kin ay magbabalik ka
Tandang padamdam
Masidhi kong dinadaramdam
Hinagpis ng ika'y lumisan sinta

Tuldukan na ang galit
Huwag ng kuwitan ang ating pag-ibig
Dinggin mong aking pakiusap
Nangunugusap, malalasap
Ulit ang tamis ng kahapon



Credits
Writer(s): Joshua Ysmael Reambonanza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link