Salbabida

Bumabaybay sa dalanpasigan ang pag-ibig
'Di na namalayang lumayo
Kumakampay pabalik sa may pangpang
Subalit 'di na matakasan ang bagyo

Nagsusumi ang hangin
Nagtatampo ang kalangitan
Lumuluha, mga ulap sa pag-ulan

Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
'Pag hindi na makaahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Dahil 'di na mag-iisa
Sabi mo 'di ba kapit ka lang sinta, ah, ah, ah!

Salbabida, di-da, da-ri-da
Salbabida, di-da, da-ri-da

Nangangamba sa mapaglarong banta ng tubig
Na parang pagod nang lumangoy, mmm
Nakaamba ang mapagkalinga mong pag-ibig
Timbulang sagip sa panaghoy

Umihip man ang hangin
At magdilim ang kalangitan
Panatag lang
Sa gitna man ng kawala

Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
'Pag hindi na makaahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Dahil 'di na mag-iisa (oh)
Sabi mo 'di ba kapit ka lang sinta, ah, ah, ah!

Salbabida, salbabida
Salbabida, salbabida, di-da, di-da, di-da

Sa rumaragasang alon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
'Pag hindi na makaahon, ikaw ang salbabida, 'di ba, 'di ba
Dahil 'di na mag-iisa
Sabi mo 'di ba kapit ka lang sinta, ah, ah, ah!

Salbabida, ooh
Salbabida
Salbabida, di-da, da-ri-da
Salbabida, di-da, da-ri-da (ooh)



Credits
Writer(s): Jungee Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link