Gigising Na Ako

Nalulungkot, nagmumukmok sa sarili kong silid
Nangungulila sa iyo habang malalim ang gabi
Tangan-tangan pangako mo na sa 'kin ay magbabalik
Kahit malayo ka sa 'kin, hinding-hindi 'pagpapalit

Kung puwede lang sumakay sa alapaap
At ako ay lilipad patungo sa iyo

Ako'y magla-la-la-la-lambing 'pag nariyan na 'ko sa 'yong tabi
Isasayaw, aawitan, at yayakapin nang mahigpit
At susulitin ang gabing ito
Dahil bukas ay gigising na ako

Natutulala ang isip ko 'pag hindi ka katabi
Nananabik sa 'yong halik, oh, kailan ka ba uuwi?
Tangan-tangan pangako mo na sa 'kin ay magbabalik
Kahit malayo ka sa 'kin, hinding-hindi 'pagpapalit

Kung puwede lang sumakay sa alapaap
At ako ay lilipad patungo sa iyo

Ako'y magla-la-la-la-lambing 'pag nariyan na 'ko sa 'yong tabi
Isasayaw, aawitan, at yayakapin nang mahigpit
At susulitin ang gabing ito
Dahil bukas, dahil bukas

Hihintayin kita hanggang sa magpakailan man
Ngunit pa'no kung magbago tibok ng 'yong puso?
Oh, oh

Kung puwede lang sumakay sa alapaap
At ako ay lilipad patungo sa iyo

Ako'y magla-la-la-la-lambing 'pag nariyan na 'ko sa 'yong tabi
Isasayaw, aawitan, at yayakapin nang mahigpit
At susulitin ang gabing ito
Dahil bukas, dahil bukas ay gigising na ako

Oh, gigising na ako



Credits
Writer(s): Eivan Manansala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link