Saludo

Siguro ay di mo inakalang
Aabot ka sa kinatatayuan mo ngayon
Noon ay lugmok, puno ng lungkot
Walang matakbuhan

Siguro ay di mo naisip na
Malalampasan mo ang pagsubok
Na iyong hinarap, kahit mahirap
Hindi ka sumuko sa laban

Saludo ako sa iyo
Ang laban ay naipanalo mo
Ang dating hinihiling mo lang
Ngayon ay nakamit mo na
Padayon lang, kaibigan
Gaganda pa ang iyong buhay
Basta't tiwala lang, di ka nag-iisa
Patuloy ang pag-asa

Maaring sumagi sa isip mong
Bitawan na lang at iwanan ang iyong pasan
Kalimutan ang lahat ng iyong pangarap
At tumakas kung saan

Ngunit dahil sa iyong tapang
At tibay ng kalooban
Tinatanaw mo na ang bagong umaga
Kaysarap magtagumpay

Saludo ako sa iyo
Ang laban ay naipanalo mo
Ang dating hinihiling mo lang
Ngayon ay nakamit mo na
Padayon lang, kaibigan
Gaganda pa ang iyong buhay
Basta't tiwala lang, di ka nag-iisa
Patuloy ang pag-asa

Wag kang mangambang napag-iiwanan ka
Wag mag-alala kung ang usad mo'y mabagal
Di kailangang magmadali sa pag-abot ng minimithi
Ang liwanag ay matatanaw mo rin

Saludo ako sa iyo
Ang laban ay naipanalo mo
Ang dating hinihiling mo lang
Ngayon ay nakamit mo na
Padayon lang, kaibigan
Gaganda pa ang iyong buhay
Basta't tiwala lang, di ka nag-iisa
Patuloy ang pag-asa



Credits
Writer(s): Ana Francesca Martin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link