kaibigan

Oh, kaibigan ko, bakit ba gan'to para bang isang misteryo?
Oh, kaibigan ko, 'di mapagtanto kung ano ang sinasabi
Ng mga mata sa tuwing ikaw ay tumititig
Sa pag-alon ng dagat, ikaw ay lumapit

Ang tanong ngayon ay bakit (bakit) sa kamay ko pa kumapit?
Kung walang ibig sabihin, ba't ganiyan ang 'yong tingin?

'Di na maalis sa isipan ko'ng lahat ng 'to
Gabi-gabi ka nang gumugulo
Maaari bang sabihin kung ano
Ang sinasabi ng mga mata mo?

Oh, oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh, oh (ang sinasabi ng mga mata mo)

Oh, kaibigan ko, bakit ba gan'to? Para bang may tinatago
Oh, kaibigan ko, na nagbabago 'pag ako'y kinakausap
Na parang bawat salita ay hinihimig
Sa pag-ihip ng hangin, ako ay lumapit

Ang tanong ngayon ay bakit (bakit) hinayaan na kumapit?
Tunay bang nilalamig o yakap ko ang ibig?

'Di na maalis sa isipan ko'ng lahat ng 'to
Gabi-gabi ka nang gumugulo
Maaari bang sabihin kung ano
Para sa iyo mga yakap ko?

Oh, kaibigan ko, bakit ganito?
Oh, kaibigan ko, oh, sabihin mo
Oh, kaibigan ko (oh, kaibigan ko), bakit ganito? (Bakit ganito?)
Oh, kaibigan ko, oh, sabihin mo

Oh, oh, oh, oh, oh, oh (sabihin mo, bakit?)
Oh, oh, oh, oh, oh, oh (sabihin mo, bakit?)
(Kung ano ang sinasabi ng mga mata mo)

Oh, sinabi mo na nakatagpo't para bang kayo'y perpekto
Oh, sinabi mo na sigurado na kayo hanggang sa dulo
At ako ay ngumiti habang nakatitig
At umagos ang luha sa aking pakikinig



Credits
Writer(s): Justin De Dios
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link