Asul

Di ko nga alam kung anong meron sa iyo
Kung bakit ako nabigbighani
Ang aking mata ay diretsong naka tingin sa iyo
Mukhang tinamaan nanaman ako ni Kupido

Nagmistulan kang asul sa kalangitan
Dahil ang ganda mong pagmasdan
Ang lungkot na aking nadarama ay naibsan

Ang lakas talaga ng hatak mo sa akin
Kasi isang ngiti mo lang
Buo na agad ang araw ko
Di ko talaga maiwasan kiligin kapag nakikita ka
Mukhang nahulog na ako

Nagmistulan kang asul sa kalangitan
Dahil ang ganda mong pagmasdan
Ang lungkot na aking nadarama ay naibsan

Aasa ba ulit ako?
Aasa ba ulit ako?
Bibigyan ko ba ulit ng kahulugan
Ang lahat ng iyong pinapakita sa akin
Aasa ba ulit ako?

Nagmistulan kang asul sa kalangitan
Dahil ang ganda mong pagmasdan
Ang lungkot na aking nadarama ay naibsan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link