O Diyos Ika'y Aking Kagalingan

O Dios ika'y aking kagalingan
Nawa'y iyong kahabagan
Akong dumudulog sa 'yo
Na may karamdaman

Sumasamo ako't humihiling
Na basbasa't pagpalain
Manumbalik dating sigla
At iyong pagalingin

Ibuhos mo ang 'Yong biyaya
Iihip mo ang 'Yong pagpapala
Ng pagpapagaling sa 'kin
Sa ngalan ni Hesus. Amen

O Diyos ika'y aking kanlungan
Sa pakikipaglaban
Sa pinagdadaanan
Ako'y laging samahan

Ibuhos mo ang 'Yong biyaya
Iihip mo ang 'Yong pagpapala
Ng pagpapagaling sa 'kin
Sa ngalan ni Hesus. Amen

Ibuhos mo ang 'Yong biyaya
Iihip mo ang 'Yong pagpapala
Ng pagpapagaling sa 'kin
Sa ngalan ni Hesus. Amen



Credits
Writer(s): Erwin Cabucos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link