Hebishram

Magandang sukatan ng success ng isang kanta kapag, uh
Yung isang kanta mo ay nakapagbago ng buhay ng kapwa
O nakaka-inspire, sa ibang tao
Lalo na sa mga kabataan ("Goodson Hellabad")

Ako'y nalilito
Nadidinig mo ba?
Ang sarili kong nagsasalita
Wala namang nag-uusap
Pero bakit may bumubulong?
Wala namang nagtutulak
Bakit umiikot ang gulong

Sa'n ba 'to papunta?
Sigurado ba ang ruta?
Gusto ko na kasing makalayo
At makalabas sa kuta
Ayoko ng mapako sa tapos na
Hindi ko hinayaan na malampa
Lalo nung panahon na ako ay nabaon
At wala rin nagtanong sa 'kin ng "Kamusta?"

Alam ko sa sarili kong mahirap (hirap, hirap)
Hirangin na ginto o isang pilak (pilak, pilak)
Marami ang pintong 'di mahagilap ('gilap, 'gilap)
Dahil ang susi ay pagsusumikap

Kinalagan ko ang sarili sa kadena
Kinalumutan ko na muna mga nega
'Di na pwede tatamad-tamad
At satsat lamang ng satsat
Walang mangyayari kung puro dakdak
'Di ko 'to ginagawa para sa pera
Sapat na sa 'kin na may makinig
At maka-inspira sa pamamagitan ng aral
Mula sa alalay ng hari

Ginawa ko lahat hanggang sa napakita
Ko sa mga tao na hindi to madali, uh
Baka lang manalo ko sa mga talo
Na pinagdaanan para lang kumita
Basta ginawa ko lang ang gusto
Tignan mo naman kung sa'n ako nakarating
Dami kong sakit na mga nilampasan
Bakit kamo? Para gumaling

Kahit pa na malaliman nagawa kong huminga
Para ang kumita nawalan ng pahinga
Baka marating din ang gustong marating
Dumating ang mga pinadalang panalangin ko sa langit, uh
Kung 'di pa dumating baka na-traffic pa
Madadapa ka talaga sa mga pagkakataong hindi ka sigurado
Kung sumabit ka o gumamit ka

Minsan kako parang may bumubulong sa hangin
Na hindi ko maintindihan ang sinasabi sa'kin
Oh, ano ba talaga 'ko?
Katas ng nagawa ko
Ang magpapakilala
Kung sino 'ko bilang tao, yeah

Ang mga luha pawis at dugo
Kasama ng mga tulang binuo
At ang mga mensaheng hindi mabukong
Nakatago sa loob ng aking bungo
Kalakip ang panang gulo at pagkatao
Iilan lang 'yan sa mga tinaya
Ko sa laro na hindi mo makabisado
Kung kailan ka dadampian ng panalo

Pintuang sarado na may matibay na kandado
Ang tatambad sa harapan ng mukha mo
Oh, nasa'n ang susi? Hinanap ang kaso
Natagpuan ko ay barang malamaso
Kaya kahit na 'di pinahintulutan
Binakbak walang hintuan
Kalimutan kapalarang kapikunan kalingunan ko sa bintana
Ay mga kabiguan at ang buwan na gusto kong bigwasan kapagkabilugan

Ginagawa ko to dahil sa gusto ko
'Di lang dahil uso ito ay sinasapuso ko
Dugo ng makata dumadaloy dito sa pulso ko
Kaya malalim pag tumarak mga pinupunto ko
Maging inspirasyon sa lahat ang pinaka gusto ko
Katulad ng mga sinusundaan at iniidolo
Tatatak sa bungo niyo ang iiwan kong liriko
'Di ako magreretiro dito ng wala kong titulo

Ako'y nalilito
Nadidinig mo ba?
Ang sarili kong nagsasalita
Wala namang nag-uusap
Pero bakit may bumubulong?
Wala namang nagtutulak
Bakit umiikot ang gulong

Naririnig ko ang aking sarili
Sa 'yo na para bang kabiyak ng kabibe

'Di na bale kung wala kang pera panalangin ang dala
Basta wag ka lang sumuko
Pagkakamali ang makakapagturo
Kung saan karanasan lang makakahalubilo mo
Na pwede mong tawaging mga guro
Kapag nadapa natural lang masugatan talaga
Na mayro'n tayong mabigat na mga laban
Kung sakaling harapin mo kapag nanalamin
Sinasabi lang sa 'yo kailangan mong magpagaling, uh

Teka muna, pa'no ko pa ito matitigilan
Kung tagumpay na mismo ang napili kong katitigan
Mata sa mata nag-uusap kami ng masinsinan
Ako ang diyamanteng bagay sa kanyang pala singsingan
Madalas man kami magkairingan ng kagipitan
Kalimitan mas pinipili ko pa ring masinpangan
Ang pangarap na inaasam-asam ng karamihan
Sa huli, pagkawagi lang ang gusto makahalikan

Raragasa na merong tanging dala
Baon sa bawat "Bakit?" nila
Pain ko na sa mga pangmamata
Kinagat nila dahil sa pananamantala
Pero 'di na ko dapat mag-alala
Binagahe ko na ng 'di na makaisa
Itinuring ko na lang na pagkadapa
Alalang dala habang tumatanda, ah

Hingang malalim 'pag nadapa
Bangon at kunin ang napala
Paulit-ulit hanggang sa gumuhit
Sa utak nila ang 'yong nagawa
Kung 'di tumama, 'ge isa pa
Kung 'di nakuha may iba pa
'Wag mo sukuan sagaran sukdulan
Hanggang makapuga sa ibaba

Paunahan sa linya ng nakapila (pila)
Para lang maipakita (kita)
Sinagad ko hanggang sa huli na rima (rima)
Na walang daplis sa kada tira
Sasalampakan hanggang tumama (tama)
Baka sakali na makatsamba (tsamba)
Sinubukan at 'di ko inaakalang
Susi ay kwarenta'y kwatrong bara

Dami kasing bagsak katawan
Sa mga dumaang pagsubok
Kaya dumating na rin yung ilang gabi ko
Na pagtikim walang usok
Tila binalik yung dati kong tutok
Kahit nilamig hindi na nagkumot
Kahit matahin, men, sulat ka pa rin
Kasi alam mong binasa ka 'pag may lukot, hm

Na balang araw ikekwento ko
Sa magiging anak ko at magiging apo
Na hindi madali makipagsapalaran
Sa kapalaran, depende sa 'yo
At hindi ubra kung palagi na lang iaasa
Sa Diyos kung anong gusto mo
Dapat kumilos yan ang totoo
'Di lahat ay isusubo sa 'yo

Ooh
Ooh-ooh



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco, Airon Paul Bayani, Mark Lawrence Ramos, Raymart Profugo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link