Magkatumbas

'Di ko 'to tinuring, na isang patimpalak
Susubukan lang ulit habang wala pa ring ganap
Sa napili na karera na walang kasing payak
May mga nagtagumpay may mga nasawi't wasak

Oh ano nga ba yung tema? 'Ge bahala na nga
Basta maganda daw sa tenga ang mga kataga
Kahit boses malat pa, di na mahahalata
Basta haluan ng tsismis pulido pagkakatha

Ew. Di ako ganon, pihit banda rito
Magbahagi ng mensahe kaya ako naparito
Tapat sa sining at gawa kahit di ga'no kagaling to
'Di rin kailangan ng "fans", meron akong abaniko. Haha

Kaliwa't kanan ang alitan
Tagisan paitaas walang gusto na magpaiwan
May sarili kang galaw, inggit dapat ipagpaliban
Kwento ng kuneho't pagong ang laging tandaan kaibigan

'Di naman masamang tagumpay lamang ang naisin
Basta siguraduhing sa panibugho h'wag paalipin
Pag-isipan ng mabuti ang salita na gagamitin
Dahil may pagkakataong dila'y matalas pa sa ngipin

Ibig kong sabihin, unahin ang kapayapaan
Parang maingat na tsuper ayaw na may masagasaan
Mas madaling maglakad kung patag ang natatapakan
Kapayapaan ay pag-ibig, ang lagi mong panghawakan

Pag-unawa't pag intindi lang naman
Ang dapat nating inilalaan
Damahin at lasapin lang natin ang himig
Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Pag-unawa't pag intindi lang naman
Ang dapat nating inilalaan
Damahin at lasapin lang natin ang himig
Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Pag-ibig sa pamilya o dun sa kasintahan
Pag-ibig sa mga hilig, pag-ibig para sa bayan
Kung para san man yan ikaw na bahalang mamili
Pag-ibig ang ugat ng kapayapaan sa sarili

'Di tayo makangiti lagi nang simangot?
Mas madalas nangingibabaw pa ang mga sigalot
Tila ang nabuong tiwala ay nagpira-piraso
Mas binigyan ng pansin ang kamaliang tinamo

May oras na sa pasensya mo'y may susubok pumihit
Bibitaw ng salitang tatatak sa atin at guguhit
Ng pagkamuhi na dahilan kung ba't mundo'y lumiliit
Kung danas nang magpatawad bat hindi natin maulit

Dahil ba yan sa ugaling pagmamalaki?
Sarili lang iniisip lahat isinasantabi
Katwiran ay baling bali, sabi lagi walang pake
Puro galit at pait na lang laman ng pinagsasabi

Bakit tila ubos na sa mundo ang kapayapaan?
Ipinag-utos ba ang gumawa ng kasalanan?
Poot 'di na matakasan, laging nagpa-pataasan
Ng mga ihi sariling pader ay 'di na mahugasan

Ang ibig kong sabihin, unahin ang kapayapaan
Parang maingat na tsuper ayaw na may masagasaan
Mas madaling maglakad kung patag ang natatapakan
Kapayapaan ay pag-ibig, ang lagi mong panghawakan

Pag-unawa't pag intindi lang naman
Ang dapat nating inilalaan
Damahin at lasapin lang natin ang himig
Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Pag-unawa't pag intindi lang naman
Ang dapat nating inilalaan
Damahin at lasapin lang natin ang himig
Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig

Kapayapaa'y tumbas ng pag-ibig



Credits
Writer(s): John Lester Lucernas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link