Sana Mali Ako

Bakit mo ba ako mahal
Wala nga ba talagang dahilan
Baka napipilitan ka na lang
Sana totoo, ang nararamdaman

Bakit mo ba ako tinitiis
Kung ikaw naman saki'y naiinis
Wag mong pilitin ang sarili mo
Ok lang ako, mas gusto ko yung totoo

Mahal mo ba talaga ako
O awa lang ang nadarama mo
Mahal mo ba talaga ako
O kailangan lang, o kailangan lang
Sana'y mali ako

Bakit mo ba nilalambing
Kung ikaw ay sawa na sa akin
Baka naguguluhan ka na naman
Sana totoo ang nararamdaman

Mahal mo ba talaga ako
O awa lang ang nadarama mo
Mahal mo ba talaga ako
O kailangan lang, o kailangan lang
Sana'y mali ako

Bakit kaya ako nagkakaganito
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman sayo

Anuman ang sinasabi
Anuman ang nararamdaman ngayon
Anuman ang mangyayari
Panalangin ko na lang na mali ako

Sana'y mali ako

Mahal mo sana talaga ako
Hindi awa lang ang nadarama mo
Mahal mo sana talaga ako
Hindi kailangan lang, di kailangan lang

Mahal mo sana talaga ako
Hindi awa lang ang nadarama mo
Mahal mo sana talaga ako
Hindi kailangan lang, di kailangan lang

Sana tama naman ako



Credits
Writer(s): John Kenneth Pacheco Capule
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link