Hey you!

Ilan na bang Pilipino't Pilipina
Ang may damdaming parang pinipino't pipina
Ito ay dahil sa pagkalayo ng milya milya
Sa kanilang mga iniingatan na pamilya

Buhay sa Pinas ito na ang aming nakasanayan
Kaya masakit sa amin iwan ang sariling bayan
Oo, mahirap sa Pinas pero masaya
Sa ibang bansa may pera ngunit nagiisa ka

Tuwig pasko, kaarawan, bagon taon nakaupo lang
Tinatanong sa sarili kung bakit parang may kulang
Ako'y nalulungkot nadadama ba't ganito
Oo nga pala, pamilya ko wala sa tabi ko

Kaya kung minsan aming luha ay pumapatak patak
Dahil kami'y kabilang sa pamilya na watak watak
At kung sa Pinas naging sapat ang sahod ng pagod
Eh di sana ang Pinoy di na sila nag-aabroad

Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan
Halika na tara sabay sabay tayong lumaban
Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa
Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila?

Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya
Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya
Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos
Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos

Kailangan mong gumising ng maaga at bumangon
At kumayod ng kumayod ng kumayod ng maghapon
Kailangan mong kumilos dito bawal ang tamad
Ang tanging iisipin mo ang bawat oras ay bayad

Kahit na may sakit ka pa ay pipilitin gumalaw
Dahil mawawala at sayang kikitain mo sa araw
Kailangan magtiis kailangan mong pagtyagaan
Kailangan buhay ng pamilya mo itong mapagaan

Pero kung minsan ay di nyo alam sila'y nagtatampo
Sila'y naalala lang kapag may kailangan kayo
Tinitiis na nga nila yung hindi kayo makita
Binibigay nyo pa puro masasamang balita

Sana minsan ay makadama naman kayo ng awa
Kung walang mapadala sana kayo'y makaunawa
Dahil tao din sila at meron din nababayaran
Pera pagkakasyahin nang di kayo mapabayaan

Sa ibang bansa sila ay nakipagsapalaran
Upang anak ay maipasok lamang sa paaralan
Para to sa kinabukasan mo't ikaw ay makatapos
Kaya wag sabihinh di kayo pinalaking maayos

At laging tanong "Kailan ka ba magpapadala?"
Ni hindi na natanong sa kanila "Kamusta ka?"
Sila'y nangungulia at damang dama nila pasakit
Kaya sana suklian naman ng konting malasakit

Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan
Halika na tara sabay sabay tayong lumaban
Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa
Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila?

Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya
Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya
Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos
Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos

Pag ika'y galing abroad kala nila mayaman ka
Pero alam mo ba ang tanging totoo matapang ka
Oo matapang ka matapang ka lagi mong tandaan
Matapang ka, matapang ka kahit laging nakadagan

Sayo'y puro problema at pasan pasan ay mabigat
Pero ika'y tuloy tuloy pa rin kahit ika'y hirap
Ika'y nahihirapan na problema patong patong pa
Pero ilan na bang pagsubok ang iyong napatumba

Kaya susuko ka pa ba sayong mga nasimulan
Ika'y nasa kalagitnaan na kaya wag hintuan
Sayong pangarap ay papalapit ka na sa unahan
At balang araw darating ka rin sa nais punatahan

Kahit hindi pa sa ngayon ang yong pagasa wag itapon
At isipin mas malapit ka ngayong kesa kahapon
Ang lungkot mo sa ngayon may kapalit itong ligaya
At lahat ng hirap mo may kapalit itong ginhawa

Tama na ang pagiyak ang mga luha nyo'y punasan
Halika na tara sabay sabay tayong lumaban
Alam ko na hirap ka na di ka nagiisa
Kung ngayon ka pa susuko eh paano na sila?

Ako'y saludo sa inyo dapay kayo ang ginagaya
Kahit hirap ka na lahat ay pilit kinakaya
Ang mensahe kong ito sa puso nyo ay tatagos
Lahat ng paghihirap nyo ay meron din pagtatapos

anonclara123



Credits
Writer(s): Antoine Chabert, Michel Nassif
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link