No Control - feat. (e)motion engine

"'Gang diyan ka lang," 'yan ang sabi nila
'Kala nung una 'di makakawala
Ngayon sa loob ng ulo
Paikot-ikot na naman

Pakiramdam ay hawak aking leeg
'Di makabangon, laging nasa sahig
Tanging sasagip sa 'kin ang aking sarili
I know that it's all in my head

But I'm fallin'
And I'm calling out

Sumigaw ngayong gabi, tayo ay lalayo
Bumitaw sa mga bagay na gumugulo
Kapit ka sa 'kin, tumakbo tayo papalayo
Let's go

Iwanan na ang pagsisisi, tayo'y tumayo
Ngayon, kakalimutan natin ang buong mundo
Aalisin humahadlang sa akin at sa 'yo
Lose control

Siguro nga ay tama pa rin
Lahat ng 'yong mga hinaing
Salamat na nabuo
Lalong 'di huminto, lalong 'di huminto

Kinabig man, akala niyo mawawala na
Kung sa'n patungo at tuluyang mawalan ng gana
Ngayon, panahon na lang magpapakita
Sa mga bagay na tinatamasa

But I'm fallin'
Ngayon ay mas abot ko na
Kaya ngayon tayo ay

Sumigaw ngayong gabi, tayo ay lalayo
Bumitaw sa mga bagay na gumugulo
Kapit ka sa 'kin, tumakbo tayo papalayo
Let's go

Iwanan na ang pagsisisi, tayo'y tumayo
Ngayon, kakalimutan natin ang buong mundo
Aalisin ang humahadlang sa akin at sa 'yo
Lose control

Ngunit patuloy na umasa
Patuloy na kinaya
Patuloy lang kahit na malupit
Ang mundo ko'y hindi kagaya
O pa'no ba kumapit
Kung nalulunod na sa lalim?

Sumigaw ngayong gabi, tayo ay lalayo
Bumitaw sa mga bagay na gumugulo
Kapit ka sa 'kin, tumakbo tayo papalayo
Let's go

Dudurugin ang damdamin kung kailangan
Uubusin ang sarili alang-alang
Para sa pangarap, bawal na pigilan
Bawal na pigilan, bawal na pigilan

Dito ako 'tinadhana ('di papalamon sa lugmok)
Ako'ng unang naniniwala (kung madapa man, tatayo)
Hindi ito mawawala (higit pa sa higante na babangon)
Ngayon ay tatayo ('di mo na mapipilit)
Ngayon ay tatayo na ('di mo na mapipilit)
Aking pagod, pawis, at dugo
Ang dahilan ba't nabuo
Lalo pa ang aking loob
I'm in control



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link