Lalim

Dahan-dahan lang kitang aawitan sinta ko
Sa pag sapit ng dilim na tayo'y magkapiling
Oh sa himig na ito ako'y matututong
Ipagkatiwala sa iyo ang buong ako

Hayaang malunod sa'yong pag tingin
At iaalay ang lahat sa lalim ng gabi

Lumilipad ang isip ko, tulala lang sa iyo
'Di pa rin makapaniwalang may isang katulad mo
Kung sa hangganan na ba ang itutungo nito
'Di na pipigilan pa ang sarili sa iyo

Hayaang malunod sa aking pag tingin
At iaalay ang lahat sa lalim ng gabi

Hahayaang malunod sa ating pag tingin
At iaalay ang buong buhay sa lalim ng gabi



Credits
Writer(s): Matthew Geoffrey Ong
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link