Hulaan

Bakit ba nagpapaakit
Sa bawat likha mong tinig?
'La namang kasiguraduhan
Mayro'n ba akong kalalagyan

Sa magulo mong damdamin?
'Di alam kung para sa 'kin ba
Ang iyong nararamdaman
Kailan mo balak na punan?

Ah, patlang
Lumalalim kada hakbang palapit
Sadya bang walang malinaw na sagot?
Parang palaisipan

Hulaan, 'lang kalaban-laban
'Di ka mailagan
Gusto mo lang ba 'ko
Sa tuwing ika'y nag-iisa?

Hula-hulaan, hula-hulaan
Hula-hulaan, hula-hula

Sige, sakyan ko na 'yong gimik
Halo-halo man ang pahiwatig mo
Dapat na bang matauhan?
Apat na buwan ka ng pinagbibigyan

(Haba-haba ng) patlang
Lumalalim kada hakbang palapit
Sadya bang walang malinaw na sagot?
Parang palaisipan

Hulaan, 'lang kalaban-laban
'Di ka mailagan
Gusto mo lang ba 'ko
Sa tuwing ika'y nag-iisa?

(Hulaan) ano'ng panghahawakan?
'Di malaman-laman
Sa 'kin mo lang ba 'to ginagawa?
Hmm

Hula-hulaan, hula-hulaan
Hula-hulaan, hula-hulaan (hmm)

(Hula-hulaan, hula-hulaan) gusto lang ako 'pag nag-iisa
(Hula-hulaan, hula-hulaan) hanap lang ako 'pag nangangamba

(Hula-hulaan, hula-hulaan) puro ka amba, nakakalito kang ibigin
(Hula-hulaan, hula-hulaan) kung 'di pa handa, ba't pabalik-balik sa 'kin?
(Hula-hulaan, hula-hulaan) puro ka amba, nakakalunod kang ibigin
(Hula-hulaan, hula-hulaan) kung 'di pa handa, ba't pabalik-balik sa 'kin?

Hulaan, ano'ng panghahawakan?
'Di malaman-laman
Gusto mo lang ako sa 'yong pag-iisa



Credits
Writer(s): Alvin Serito
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link