Wala
Lumalalim na naman ang gabi
Hudyat nito'y pamamalagi sa gunita ng pagsisisi
'Di ko maintindihan ang pighati
Siguro nga'y hindi lubos na kilala aking sarili
Ikaw ba'y may alam sa 'king dinaramdam
O tulad nilang walang pakialam?
Oh buwan, ikaw nga ba'y tunay na kaibigan? Oh
Lulan mo lang sa 'king mundo ay kalungkutan, oh
Dapat ka nga bang pasalamatan
Kung kasiyaha'y sa tuwing ika'y lilisan? Gayunpaman ay
Kay tagal naghahanap sa salarin
Ni hindi sumagi sa isipang tumingin sa salamin
Wala namang magagawa pa kung 'di tanggapin
At unti-unting pilitin ang sarili ay mahalin
Ikaw lang ang may alam sa 'king dinaramdam
Oh, huwag na huwag kang biglang mang-iiwan
Oh buwan, ikaw nga ba'y tunay na kaibigan? Oh
Lulan mo lang sa 'king mundo ay kalungkutan, oh
Dapat ka nga bang pasalamatan
Kung kasiyaha'y sa tuwing ika'y lilisan? Gayunpaman ay
Hindi ko 'to gusto
Hinding-hindi ko 'to gusto, oh
Salamat sa presensiya mo
Hinding-hindi ko 'to gusto
Lubayan mo nga ako

Credits
Writer(s): John Paulo Nase
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.