Di Na Tayo Ganun

Alaala pang labis ang tuwa
Yakap-yakap sa buong magdamag
Sa iyong tawag napupuyat
Inuumagang halakhak
Hanggang gabi, hanap-hanap

Ngunit bakit 'di na tayo ganun?
Bakit para bang dumaan lang sa 'tin ang panahon?
Paano mabago?
Mabalik sa unang yugto
Oh, bakit 'di na tayo
Gano'n, gano'n

Pananabik 'pag magkikita na
Tawanan na walang humpay
Sa dapit hapon ay hawak pa'ng kamay
Sa iyong tawag napupuyat
Inuumagang halakhak
Hanggang gabi'y hanap-hanap

Ngunit bakit 'di na tayo ganun?
Bakit para bang dumaan lang sa 'tin ang panahon
Paano mabago?
Mabalik sa unang yugto
Oh, bakit 'di na tayo

Oh, gano'n na lang ba sa 'yo?
Pangako mo'y 'di tayo magbabago
Ba't gano'n?

'Di na ba babalik mga dating damdamin?
Pag-ibig na minsan ay naging atin

Bakit 'di na tayo gano'n
Bakit para bang dumaan lang sa 'tin ang panahon
Oh, paano mabago?
Mabalik sa unang yugto
Oh, bakit 'di na tayo
Gano'n?
Gano'n



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link