MAS

Naghahanap ako
Ng isang kaibigan
Ngunit ako'y nalugmok
Sa kasalanan
Ginawa ko ang nais ko
Ngunit sulit nga ba ito?
Patuloy lang akong
Natatalo

Ang iyak ng puso
Nais ko lang mabuhay
Pansariling bagay ay
Pinaglaruan ako
Ngunit 'di ko akalain
Na pag-ibig Mo'y mas malalim
Sa kasalanan ko
Bagong buhay (Pag-ibig Mo) ay natamo

'Di ako makatawid
Lalo lang nagigipit
Kamatayan ay
Lumalapit
Naabo na ang buhay
Sa krus ko ay iaalay
Hesus sa'Yo lang ibibigay

Sa ngalan Mo
Lalaban ako
Dala ang pag-asang nasa'Yo
Kaligtasang ibinigay Mo
Walang hanggang buhay ay sa'Yo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link