Makapangyarihan

Sa kadiliman ng aking buhay
Kailangan Kita
Kasalanan ko na 'di mabilang
Kailangan Kita

Walang hanggang awa
At pang-unawa
Pag-ibig Mo'y dakila
Sino nga ba ang
Maitutulad sa'Yo?
Pag-ibig Mo'y dakila

Nang makita ko at maunawaan
Kailangan Kita
Sa tagumpay man
O kabiguan
Kailangan Kita

Aming sandigan
Diyos na makapangyarihan
Dakila Ka



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link