Suntok Sa Buwan

Dumidilim ang paligid
Natatakpan mga bituin
Ng kaulapan sa himpapawid
Dati-rati, kay hirap sungkitin
Pero ngayon, nanlalabo na rin ang paningin

'Di maabot-abot na buwan
Hanggang tanaw lang ang lahat
Kung tutuusin, 'di rin naman perpekto
Pero hinahanap sa tuwing maglalaho
Ganu'n din ba ako?

Nagpapadala sa emosyong hindi malinaw
Kaya naguguluhan sa kasagutang
Kwinekwestyon lang din naman

Hindi nangangahulugang
'Di uulan kung naarawan
Ang balat at ang halaman
Kinakasal na tikbalang
O maaabot daw mga pangarap–
Alin ang paniniwalaan?

'Di maabot-abot na buwan
Hanggang tanaw lang ang lahat
Kung tutuusin, 'di rin naman perpekto
Pero hinahanap sa tuwing maglalaho
Ganu'n din ba ako?

Nagpapadala sa emosyong hindi malinaw
Kaya naguguluhan sa kasagutang
Kwinekwestyon lang din naman

Nagpapadala sa emosyong hindi malinaw
Kaya naguguluhan
Hanggang kailan ba maninindigan?

Dumidilim ang paligid
Natatakpan mga bituin
Ng kaulapan sa himpapawid
Dati-rati, kay hirap sungkitin
Pero ngayon, umaasa pa rin, humihiling



Credits
Writer(s): Jaira Ceryce Laygo Lalicon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link