Huling Sayaw

Nagbabago na ang tingin ng iyong mata
'Di na gaya nung tayo'y nagsimula
Nag-iba na ang iyong nadarama
Bakit ba?

Napapagod ka na ba sa aking tabi?
Gusto mo bang mapag-isa ngayong gabi?
Kung talagang plano mong umalis,
Sandali

Dito ka lang sa aking tabi
Magkayakap bago umalis
Mukhang 'di ka na mapakali
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?

Ano bang pwede kong gawin?
Baka sakaling bumalik
Ang nagtatago mong ngiti
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?

Ito na ba ang ating huling sayaw o tuluyan pa ba akong aasa?
O baka sakaling balikan, gumawa ng bagong alaala
Harap, likod, kanan, kaliwa, susubukan sundan ang iyong tapak
'Wag kang mag-alala,
'Di mawawala

Hawak-hawak ang iyong kamay at hindi ka pababayaan
Sinasabayan ang iyong galaw habang mata mo'y tinititigan
'Wag ka nang lumisan
Dito ka lang
Pero kung ito na ang ating huling gabi

Dito ka lang sa aking tabi
Magkayakap bago umalis
Mukhang 'di ka na mapakali
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?

Ano bang pwede kong gawin?
Baka sakaling bumalik
Ang nagtatago mong ngiti
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?

Ito na ba ang ating huling sayaw?
Ito na ba ang ating huling sayaw?
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?

Dito ka lang sa aking tabi
Magkayakap bago umalis
Mukhang 'di ka na mapakali
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?

Ano bang pwede kong gawin?
Baka sakaling bumalik
Ang nagtatago mong ngiti
Ito na ba ang ating huling,
Ito na ba ang ating huling sayaw?



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link