Pelikula

Sa tagal ng paghahanap
'di ko na napansin
Ayaw ko nang mag-isip
Nakatadhana kaya
Kung mapapasakin
Tunay na pag-ibig
Kung sa'n nagpaikot-ikot
At ba't nagpasikot-sikot
At ngayo'y naniniwala na
Posible pala

Ibang nadarama
Pag nakaharap na
Totoo nga ba 'to
Bawat eksena'y bida tayo
At 'di makapaniwala
Na may ganitong pag-ibig
Parang pelikula

'kala ko'y sa teleserye lang 'tong kilig
Ba't ngayo'y kakaiba na ang pintig
Ng aking puso
Biglang nabago
Ihip ng hangin dinadala ako
Papunta sa 'yo
Sa storyang ito
Na magtatapos ang puso ko sa 'yo

Kung sa'n nagpaikot-ikot
At ba't nagpasikot-sikot
At ngayo'y naniniwala na
Posible pala

Ibang nadarama
Pag nakaharap na
Totoo nga ba 'to
Bawat eksena'y bida tayo
At 'di makapaniwala
Na may ganitong pag-ibig
Parang pelikula

Hindi na kukurap
Baka ka mawala
Parang bulalakaw
Na tinatanaw
Hinihintay gabi't araw
Sa kwentong nagsimula
Tamis ng pagtitinginan

At ngayo'y
Ibang nadarama
Pag nakaharap na
Totoo nga ba 'to
Bawat eksena'y bida tayo
At 'di makapaniwala
Na may ganitong pag-ibig
Parang pelikula

Ooohhhhhh
Parang pelikula



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link