PASASALAMAT

Kulang ang salita
Ng buong mundo
Upang ihayag
Ang kabutihan Mo

Awitin ko man lahat
Ng awit sa mundo
Di matutumbasan
Ang kadakilaan Mo

Kaya itataas ko
Ang aking mga kamay
Pupurihin Ka ng
Hallelujah
Hallelujah
Alam kong di sapat
Ang lahat para sa'Yo
Aawit nalang ng
Hallelujah
Hallelujah

Kaluluwa ko
Ay di papipigil
Sa pagpupuri
Sa nag-iisang Hari
Sumigaw ang lahat
Purihin ang Diyos!



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link