Utang ng Utang (Walang Salita)

Utang nang utang kahit 'di pa bayad
May utang ka pa nga, uutang agad
Ako na na-stress, nahiyang maningil
Iba't ibang rason, manhid ka pa, dear

Minsan naman, napadalhan mo na
"'Lamat" lang reply, tinamad mo pa
Itigil ang pagiging utangero, utangera
Maging sensitibo ka naman sa iyong kapwa

Huwag magbitaw ng petsa kung wala nang salita
Ginagawa mong bisyo, 'di ka na nahiya
'Yong iba dyan, for the sake of luho
'Di naman importante, ano na 'to?

Pangako mo'y puro salita
Pero sa huli ay wala ring balita
Ako'y nagsusumikap pero wala namang balik
Sa kakapangako mo, ako ngayo'y gipit

Huwag mag-antay na ikaw ay singilin
Anino mo ay kay hirap hagilapin
Respeto naman sa salitang ipinangako
Bayaran ang utang, mahiya ka naman po

Hinampak ang giatay
Hug kita balang araw
Ang dami mong rason, manhid ka ba, dear?
Manhid ka ba, dear?

Minsan naman, napadalhan mo na
"'Lamat" lang reply, aba'y itinamad mo pa
Itigil ang pagiging utangero, utangera
Maging sensitibo ka naman sa iyong kapwa

Huwag magbitaw ng petsa kung wala nang salita
Ginagawa mong bisyo, 'di ka na nahiya
'Yong iba dyan, for the sake of luho
'Di naman importante, asan na po?

Pangako mo'y puro salita
Pero sa huli ay wala ring balita
Ako'y nagsusumikap pero wala namang balik
Sa kakapangako mo, ako ngayo'y gipit

Huwag mag-antay na ikaw ay singilin
Anino mo ay kay hirap hagilapin
Respeto naman sa salitang ipinangako
Oh

Ginagawa mong bisyo, manghiram ng pera, wala kang salita
Ginagawa mong bisyo, 'di ka na nahiya
'Yong iba dyan, for the sake of luho
'Di naman importante, asan na 'to?

Huwag mag-antay na ika'y singilin
Anino mo ay kay hirap hagilapin
Respeto naman sa salitang ipinangako
Bayaran ang utang, mahiya ka naman po

Puro ka paasa
Wala kang salita
Ginagawa mong bisyo
Wala kang salita

Pero sa huli ay walang balita



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link