Langit Ay Langit

Ang langit ay langit
Dahil nandun Ka
Sa pag-ibig Mong labis
Wala nang tatamis pa
Kung saan-saan nagtungo
Ngunit laging bigo
Kapag Sa'yo'y nalalayo

Ang akala ko dati'y
Walang katapusan ang masaya kong araw
Nang Ikaw ay aking piliin
Sunod Sa'yong saloobin
Ang akala ko dati'y
Di na makakaranas pa ng hirap
Di na masasaktan ang aking puso
Luluha nang todo-todo

Sana'y wag makalimutan
Sa hirap ay di Mo 'ko iiwanan

Ang langit ay langit
Dahil nandun Ka
Sa pag-ibig Mong labis
Wala nang tatamis pa
Kung saan-saan nagtungo
Ngunit laging bigo
Kapag Sa'yo'y nalalayo

(dahil nandun Ka)
(wala nang tatamis pa)
(kapag Sa'yo'y nalalayo)

"Ako po ay pagpalain
O Diyos," limang segundong panalangin
Pasensya na po at hanggang dito
Na lang ang aking panalangin
Ako po ay wag na muna sana
Ninyo pong abalahin
Di pa ako nakapag-almusal
Tsaka na mangungumpisal

Sana'y wag makalimutan
Pangungusap Mo'y aking kailangan

Ang langit ay langit
Dahil nandun Ka
Sa pag-ibig Mong labis
Wala nang tatamis pa
Kung saan-saan nagtungo
Ngunit laging bigo
Kapag Sa'yo'y nalalayo

Ang langit ay langit
Dahil nandun Ka
Sa pag-ibig Mong labis
Wala nang tatamis pa
Kung saan-saan nagtungo
Ngunit laging bigo
Kapag Sa'yo'y nalalayo

May paghihirap man ay nasa 'kin Ka
Nagbibigay lakas sa'kin tuwina
Di ako pinabayaan
Ako'y laging handang tulungan
Nakakalimot man, Ikaw ay nariyan
Pag nagbalik-loob, Ikaw ay nariyan
Totoo sa sinumpaan
Dakila ang Iyong katapatan

Sana'y wag makalimutan
Kung wala Ka'y walang kabuluhan

Ang langit ay langit
Dahil nandun Ka
Sa pag-ibig Mong labis
Wala nang tatamis pa
Kung saan-saan nagtungo
Ngunit laging bigo
Kapag Sa'yo'y nalalayo

Ang langit ay langit
Dahil nandun Ka
Sa pag-ibig Mong labis
Wala nang tatamis pa
Kung saan-saan nagtungo
Ngunit laging bigo
Kapag Sa'yo'y nalalayo

"Ang langit ay langit, dahil naroon ang Diyos"



Credits
Writer(s): Lyzza Joyce Pang-ot Libao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link