Nahuhulog

Sa piling mo
Ako'y 'di mapakali
Binibilang ang mga saglit
Ninanamnam ang bawat sandali

'Di ko hangad
Na agad nang matapos 'to
Kailan ba mauulit 'to?
Ayoko nang kumawala sa 'yo

Nahuhulog sa lupa ang puso ko
Nakatutunaw mga titig mo
At dahan-dahang mga hawak mo

Nabubuo ang buong pagkatao ko
Kapag ikaw na ang kapiling ko
Habang-buhay, dito lang sa tabi ko, oh

Pakinggan mo
Ang mga kantang 'sinulat ko
Lahat 'yan ay para sa iyo
Oh giliw, 'wag ka nang malilito

Bakit gan'to kababaw ang palaisipan ko?
Kahit na umaapaw ang pag-ibig ko
Ano ba'ng mayro'n sa 'yong ngiti?
Ba't parang kinang ng mga bituin?

Nahuhulog sa lupa ang puso ko
Nakatutunaw mga titig mo
At dahan-dahang mga hawak mo

Nabubuo ang buong pagkatao ko
Kapag ikaw na ang kapiling ko
Habang-buhay, dito lang sa tabi ko, oh

Nahuhulog sa lupa ang puso ko
Nakatutunaw mga titig mo
At dahan-dahang mga hawak mo

Nabubuo ang buong pagkatao ko
Kapag ikaw na ang kapiling ko
Habang-buhay, dito lang sa tabi ko, oh



Credits
Writer(s): Aaron Jed Baruelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link