Huwag Mo Nang Sabihin

Ito ang unang beses
Na susulat ang lapis, guhit
Umaasa kahit 'di ka man sa'kin lumalapit
Makinig ka sana sa'king pa-simpleng pag-aakit

Wala mang tatas ay ikaw ang mahal
At laman ng awitin kong ito
Sabi mo noon ako rin ay gusto mo
Anong hinihintay ko?

Huwag mo nang sabihin
Ayaw mo na akong mahalin
Puso ko'y naninikip
Tuwing hindi mo pinapansin
Pagmamahal ko

Pangalawang beses na nakita ka
Mga tinginan natin, magkalayo 'di ba?
Sa gabi at habang panahon
Nababaliw ako sa'yo
Anong hinihintay mo?

Huwag mo nang sabihin
Ayaw mo na akong mahalin
Puso ko'y naninikip
Tuwing hindi mo pinapansin
Pagmamahal ko, oh oh oh

Gusto mo ba o titigil na lang?
Gusto mo ba o itigil ko na? Oh
Gusto mo bang hintayin pa kita? Ah

(Instrumental)

Huwag mo nang sabihin
Ayaw mo na akong mahalin
Puso ko'y naninikip
Tuwing hindi mo pinapansin
Pagmamahal ko

Aminin na lang natin
Mga tinatagong damdamin
Hindi ako titigil
Hangga't ika'y maging akin

Ako ay sa'yo, oh oh oh

Gusto mo ba o titigil na lang?
(Huwag mo nang sabihin
Ayaw mo na akong mahalin)
Gusto mo ba o itigil ko na? Oh
(Puso ko'y naninikip
Tuwing hindi mo pinapansin)
Gusto mo bang hintayin pa kita? Ah
(Pagmamahal ko, oh oh oh)

Gusto mo ba o titigil na lang?
Gusto mo ba o itigil ko na? Oh
Gusto mo bang hintayin pa kita? Ah



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link