Huling Paalam (Adapt. Walk In Grace) - Ext. Ver

Pinipintuho kong Bayan ay paalam
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat Silangan
Kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw

Masayang sa iyo'y aking idudulot
Ang lanta kong buhay na lubhang malungkot
Maging maringal man at labis ang alindog
Sa kagalingan mo ay akin ding handog

Sa pakikidigma at pamimiyapis
Ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip
Walang agam-agam, maluwag sa dibdib
Matamis sa puso at di ikahahapis

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
Na sa Silanganan ay namamanaag
Yaong maligayang araw na sisikat
Sa likod ng luksang nagtabing na ulap

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
Sa malagong damo mahinhing bulaklak
Sa kaluluwa ko halik ay igawad
Uhhhhhh

Masayang sa iyo'y aking idudulot
Ang lanta kong buhay na lubhang malungkot
Maging maringal man at labis ang alindog
Sa kagalingan mo ay akin ding handog

Paalam, magulang at mga kapatid
Kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
Mga kaibigan, bata pang maliit
Mamatay ay siyang pagkakagupiling
Paalam

Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link