Yugto Mapasaiyo

Kinakalembang ang gitara
Para saiyo, gagawa ng kanta
Kahit napakarami nilang pumuporma, pila pila
Kaya 'di mo napapansin
Alay kong pag-ibig
Sa tuwing iniisip ka
Tayong dalawa, nakatulala sa isa't isa
Nagbabakasakali na iyong magustuhan
Ang mundo ko, libutin mo
Kung naniniguro ka sa tulad ko
Hindi mo pa gusto
Sa iyo, sigurado ako
Mukha kang obrang paborito ko
Tutok mata sa'yo
Kung sa'n man mapunta ang aking motor
Sana ay ikaw inaangkas ko
'Wag mo sanang itaboy agad
Pagbigyan mo ang aking yugto mapasaiyo
Kada tunog ng telefono
Inaasahang mensahe mo
Sabik na malaman ang sagot
Galing sa 'king mga tanong
Gusto ko ring mapakinggan
Boses mong nakakahumaling
Sakit na madarama
Kung sa iba ka nakatingin
'Di mo lang alam, sa'yo ako, kung gusto mo
Ang mundo ko, libutin mo
Kung naniniguro ka sa tulad ko
Hindi mo pa gusto
Sa iyo, sigurado ako
Mukha kang obrang paborito ko
Tutok mata sa'yo
Kung sa'n man mapunta ang aking motor
Sana ay ikaw inaangkas ko
'Wag mo sanang itaboy agad
Pagbigyan mo ang aking yugto mapasaiyo
Sino ba naman ako para pilitin kang
Sabihin na ako ang 'yong hangarin, oh
Kung ramdam ko naman, sa iba, nakakatitig ka
Wala rin, kahit ako'y umamin
Ikakanta na lang lahat
Pero kung gusto mo
Ang mundo ko, libutin mo
Kung naniniguro ka sa tulad ko
Hindi mo pa gusto
Sa iyo, sigurado ako
Mukha kang obrang paborito ko
Tutok mata sa'yo
Ang mundo ko, libutin mo
Kung naniniguro ka sa tulad ko
Hindi mo pa gusto
Sa iyo, sigurado ako
Wala nang duda sa tulad mo
Ikaw ang nais ko
Kung sa'n man mapunta ang aking motor
Sana ay ikaw inaangkas ko
'Wag mo sanang itaboy agad
Pagbigyan mo ang aking yugto mapasaiyo
'Wag mo sanang itaboy agad
Pagbigyan mo ang aking yugto mapasaiyo
'Wag mo sanang itaboy agad
Pagbigyan mo ang aking yugto mapasaiyo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link