Musikero

Musikero sa buhay na mabilis
Sa pamamagitan ng gitara, ang buhay pinatatamis
Sa dami ng pangako ng iba't ibang tao
Salapi at trabaho, isa lang ang aking iniibig
Na ang boses at mga awitin ko'y inyong marinig

Musikero sa buhay na masikip
Sa pamamagitan ng awitin, lumalaya ang aking isip
Sa langit na makulay, maluwag, malumanay
At walang nakahanay, isa lang ang aking nakikita
Na tulad ng ulap, ang tao'y sinilang na malaya

Mahirap mang aminin
Ito lang ang kaya kong maging
Hindi ako gano'n kabait upang magpari
Kailangan din naman ng kaunting pag-aari
Ngunit kailanman ay hindi ko pinangarap ang maging hari, oh-whoa

Musikero sa nagbabagong mundo
Sa pamamagitan ng tunog, mga ligaw na puso ay sinusundo
Sa dami ng nahihilo, sa gulo ng tsubibo
Ng mundong nagbabago, isa lang ang sa 'ki'y maliwanag
Na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag

Mahirap mang aminin
Ito lang ang kaya kong maging
Hindi ako gano'n kabait upang magpari
Kailangan din naman ng kaunting pag-aari
Ngunit kailanman ay hindi ko pinangarap ang maging hari, oh-whoa

Musikero sa buhay na mabilis
Sa pamamagitan ng awitin, mga buhay pinatatamis
Sa dami ng nahihilo, sa gulo ng tsubibo
Ng mundong nagbabago, isa lang ang sa 'ki'y maliwanag
Na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag, hmm

Na sa dulo ng araw ay may langit na tumatawag



Credits
Writer(s): Jimmy Bondoc
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link