Lando
'Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
'Di ka hahayaan na muli pang masaktan
'Wag ka nang matakot sa dilim
Ito ay kwentong hango nanggaling sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay 'di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat
At marami ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay 'di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na 'di alintanang
Makikipag-kapwa tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig

Kahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang
At sino man ay walang makapipigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan, 'di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
Nagpakalayo-layo 'di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawat isa'y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat ng dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

Isang gabi na Huwebes, lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita, may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit, 'di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po, bakit po ang laging lumalabas
Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga 'di ko na kilala ang aking sarili
Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi...

'Wag ka nang matakot sa dilim...

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.