Kung Sino Pang Minamahal

'Di ba't sabi mo'y kahit kailan pa man
Hinding-hindi mo 'ko iiwan
'Di ba't sagot ko'y umula't umaraw man
Tayo'y laging magmamahalan

Ngunit bakit nag-ibang bigla
Pag-ibig na inalay mo sa akin

Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Ang akala ko'y sa'yo lang liligaya
Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Tulad mo, ikaw ay naglaho

Noo'y kay saya ng ating lambingan
Kahit tayo ay may tampuhan
At higit sa lahat 'di ba't nagsumpaan
Lagi tayo ang magkasama

Dapat nga bang ika'y mahalin
Pagkatapos ng lahat ay wala pa rin

Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Ang akala ko'y sa'yo lang liligaya
Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Tulad mo, ikaw ay naglaho

Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Ang akala ko'y sa'yo lang liligaya
Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Tulad mo, ikaw ay naglaho

Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Ang akala ko'y sa'yo lang liligaya
Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Tulad mo, ikaw ay naglaho

Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Ang akala ko'y sa'yo lang liligaya
Kung sino pang minamahal
S'ya pa rin ang nawawala
Tulad mo, ikaw ay naglaho



Credits
Writer(s): Benito M. Escasa, Boyet Palisoc
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link