Kailan Kaya

Heto na naman ako
Di mapakali't nagiisip sa yo
Isip ko'y nagtatanong
Kung anong meron ka
At ako'y nababaliw sa yo

Ano bang gayuma mo
At ako'y patay sa yo

Di maalis sa isip ko
Mga ngiti at sulyap mo, sinta
Mukhang mong kay amo
Ako'y sadyang binihag mo
Sana ako ay mapansin mo

Ako'y nagdarasal
Sa ating maykapal

Kailan kaya
Maririnig ang puso kong sayo'y may pagtingin
Sana iyong dinggin
Kailan kaya
Mapapansin itong damdamin ikaw lang ang hiling
Ang nais makapiling

Di maalis sa isip ko
Mga ngiti at sulyap mo, sinta
Mukhang mong kay amo
Ako'y sadyang binihag mo
Sana ako ay mapansin mo

Ako'y nagdarasal
Sa ating maykapal

Umulan, umaraw
Ulit-ulitin man ang buhay ko
Ikaw pa rin ang hahanap-hanapin



Credits
Writer(s): Albert Santa Maria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link