Kagandahan

Ang tao madaling humusga
Mahirap mabuhay sa isang mapait
At mundong kay lupit
Kapintasa'y laging nakikita

Pinipilit na hindi maalis
Ang tiwala sa puso'y nananatili
Kailanma'y 'di susuko ang pagkatao
Darating din ang araw na hinihintay ko

Kagandahan, tunay mong makikita
Sa puso 'yan ang mas mahalaga
H'wag magpadaya sa nakikita
Lahat ng iya'y lilipas lang
Kagandahan ng puso tapat kailanman
Umasang hindi ka masasaktan
'Di iiwanan magpakailanman
Ang tunay na kagandahan

Karamihan nagkukunwari
'Pag nakaharap sa akin, nakangiti
Kasalanan ko bang pangit ang iyong nakikita

Kumukupas ang gandang panlabas
'Di lilipas, kaloobang wagas
Aking tatanggapin, ganda'y 'di sa akin
Busilak na puso'y 'di kayang kunin

Kagandahan, tunay mong makikita
Sa puso 'yan ang mas mahalaga
H'wag magpadaya sa nakikita
Lahat ng iya'y lilipas lang
Kagandahan ng puso tapat kailanman
Umasang hindi ka masasaktan
'Di iiwanan magpakailanman
Kaibigan, ang kagandahan
Sa puso lang ang tunay na kaligayahan

Kagandahan, tunay mong makikita
Sa puso 'yan ang mas mahalaga
H'wag magpadaya sa nakikita
Lahat ng iya'y lilipas lang
Kagandahan ng puso tapat kailanman
Umasang hindi ka masasaktan
'Di iiwanan magpakailanman
Kaibigan
'Di iiwanan magpakailanman
Kaibigan

Kumukupas ang gandang panlabas
'Di lilipas, kaloobang wagas



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Roque Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link