Ikaw Pa Rin

Ilang araw na kitang hinahanap at wala ka
Isang linggo na nakalipas, 'di ka pa rin nagpapakita

Pa'no kung bigla ka lang iiwas at mawawala?
'Di ito matatanggap ng buong buhay ko

Nais kong malaman mo
Na ikaw lang ang nasa puso ko
At kahit na ano'ng mangyari
Ikaw pa rin ang iibigin ko

Ilang gabi na akong 'di makatulog sa kakaisip
Lahat ng oras nasa iyo, 'di mo pa rin napapansin

Pa'no kung bigla ka lang iiwas at mawawala?
'Di ito matatanggap ng buong buhay ko

Nais kong malaman mo
Na ikaw lang ang nasa puso ko
At kahit na ano'ng mangyari
Ikaw pa rin ang iibigin ko

Sana lang ay maunawaan mo ang nasa isip ko
Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo

Nais kong malaman mo
Na ikaw lang ang nasa puso ko
At kahit na ano'ng mangyari
Ikaw pa rin ang iibigin ko, whoa, whoa



Credits
Writer(s): John Oliver A. Agustin, Chrisanthony C. Vinzons, Emil Joseph I. Arabit, Aldrick D. Yu
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link