Majika

Sa pagsibol ng araw
Nakikiusap na sa ulap
Mapalikas na mapalinlang
Mga aninong bumabalot sa lupa
Bahaghari lang, nais na matanaw

Majika (Majika)
Ikaw ang tanging pag-asa
Binhi sa kanyang kinagisnan
'Pagkat landas ay 'di na babalikan

Sa paghamon ng gabi
Bakas ng luha'y susundin
Patungo sa mapaglarong tadhana
At nag-aalab na lihim
Sa ngalan ng pag-ibig ay tutuklasin

Majika
Ikaw ang tanging pag-asa
Binhi sa kanyang kinagisnan
'Pagkat landas ay 'di na babalikan

Ang kalawakan ay 'di likas sa binhi
Nadadala lamang ng ihip ng hangin
Kakapit at umaasa, Majika

Majika
Ikaw ang tanging pag-asa
Binhi sa kanyang kinagisnan
'Pagkat landas ay 'di na babalikan (aah-aah-aah)



Credits
Writer(s): Nadal Kitchie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link