Sinasamba Kita

Sinasamba kita
Higit sa 'yong akalang iniibig lang kita
Paggalang ko sa 'yo'y higit sa buhay kong taglay
Wala na yatang papantay, ang buhay ma'y ibibigay ko pa
Sinasamba kita

Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
Bilang pagmamahal ang siyang nadarama
Pa'no ka maipipinta? Kulang ang kulay nila
Para mailarawan ka, sinta

Oh-oh, sinasamba kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita
Marahil ay mauunawaan Niya ang tulad ko
Na labis nagmahal sa 'yo, masisisi Niya ba ako, sinta?
Sinasamba kita

Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
Bilang pagmamahal ang siyang nadarama
Basta't sinasamba kita

Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
Bilang pagmamahal ang siyang nadarama
Basta't sinasamba kita

La-la-la, la-la-la, hey, yeah, whoa
Basta't sinasamba kita
La-la-la, la-la-la, hey, yeah
Basta't sinasamba kita
Ooh, ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh, ooh-ooh
Basta't sinasamba kita



Credits
Writer(s): George Canseco, Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link